OATH OF LOYALTY
PANUNUMPA NG KATAPATAN
- Magiging aktibong kasapi ng samahan at palagiang dadalo sa mga pagpupulong, gawain at mga misyon na iniaatas ng mga pamunuhan.
- Gaano man kataas ang kalagayan sa buhay at katungkulan sa komunidad, ako ay nahahandang sumunod at magpailalim sa pamunuhan at sumunod sa batas at mga alituntunin ng samahan.
- Ako ay nahahanda na maglingkod sa Diyos, sa Kapwa at sa Bayan ng walang anumang iisiping ganti o kapalit.
- Ako ay nahahandang mag-aral at magsanay upang paunlarin ang aking sarili sa mga paraang ako ay higit na makakatulong sa pamayanan.
- Ako ay hindi gagawa ng anumang bagay na makakasira sa aking sariling integridad at aking kapwa kasapi, at higit sa lahat ang katayuan at dangal ng IMPACT bilang isang organisasyon. Pag ako ay nakagawa ng taliwas sa batas ng organisasyon ako ay nahahandang tumanggap ng kaukulang kaparusahan.
- Na ako ay magiging magalang at handang sumunod sa ipag-uutos na mga nakakataas o lider ng samahan lalo na kung ito ay makakatulong sa pag-unlad ng grupo.
- Ipagtatanggol ko at hindi tatalikuran ang aking kapatid sa gipit na kalagayan lalo na sa pagtatanggol ng katwiran at karapatan.
- Gagawin ko na higit na bibigyan ng pansin ang responsibilidad sa pamilya upang ang aking sambahayan ay hindi makakadagdag sa problema ng sosyedad.
- Magiging mapagmahal sa bansa at nahahandang sumunod sa mga awtoridad at lider ng pamahalaan at hindi sasali sa anumang uri ng pag-aaklas na makakasagabal sa pag-unlad ng ekonomiya at makakapagdulot ng hidwaan at banta sa kapayaan.
- Ako ay nahahandang maglingkod kung tawagin ng pamahalaan o awtoridad para protektahan ang bansa laban sa terorismo, krimen, korapsyon at mga manunupil.
- Papanatilihin ko sa aking sarili ang mga mabuting kultura at kaugalian ng Pilipino gaya ng espiritu ng “Bayanihan”, pagtutulungan at diwa ng nasyonalismo.
- Nangangakong di magbibitiw ng mga salitang makakapagdulot ng hidwaan sa kapwa at gagawin lamang ang mga bagay na magiging maganda sa pagsasamahan at magiging huwaran sa mga taong aking nakakasalamuha lalung-lalo na ang mga kabataan.
- Kailanma’y di matatakot sa pag-gawa ng mabuti at pagtatanggol sa karapatan lalo ng kung ito ay ayon sa kagustuhan ng Maykapal. Kasihan nawa ako ng Panginoon.