IMPACT JOINS AAGAPAY

IPINAHAHAYAG NG SAMAHANG INTREPID MOVEMENT OF PEOPLE AGAINST CRIME AND TERRORISM (IMPACT) ANG PAKIKI-ISA AT PAKIKIPAG-ALYANSA SA AAGAPAY (ALALAY AT GABAY SA PAG-UNLAD NG PAMAYANAN) PARA SA PAGPAPALAWAK, PAGPAPALAKAS AT MAGING KATUWANG NITO SA MAKABAYAN, MAKATAO AT MAKADIYOS NA MGA GAWAIN.





ANO ANG AAGAPAY?


ANG ALALAY AT GABAY SA PAG-UNLAD NG PAMAYANAN O AAGAPAY AY MAY TATLONG KALAGAYAN.  AAGAPAY BILANG ISANG ORGANISASYON, BILANG ISANG PROGRAMA AT BILANG ISANG IDEOLOHIYA. 

ANG AAGAPAY AY ISANG PAMBANSANG ORGANISASYON MAY LAYUNING MAGLINGKOD SA ATING BAYAN AT MAMAMAYAN TUNGO SA MAPAYAPANG PAMAYANAN. ITO AY BINUBUO NG IBAT-IBANG LIPI AT SEKTOR NG LIPUNANG PILIPINO.

ANG AAGAPAY BILANG ISANG IDEOLOHIYA AY NANINIWALA AT SUMASAMPALATAYA SA DAKILANG LUMIKHA.  ITO AY MAY MATAAS NA PAGPAPAHALAGA SA PAMILYANG PILIPINO DAHIL SA PANINIWALA NA ANG MABUTING PAMILYA AY PUNDASYON NG ISANG MATATAG NA LIPUNAN.  ANG PAMAMARAAN NG PAGKILOS PARA LUTASIN ANG MGA SULIRANIN NG ATING SARILI AT NG LIPUNAN NA ALINSUNOD SA PAGIGING MAKA-DIYOS, MAKATAO, MAKAKALIKASAN AT MAKABANSA.

ANG AAGAPAY BILANG ISANG PROGRAMA AY NAKATUON SA TATLONG GAWAIN.  ITO AY ANG PANG EDUKASYON, KABUHAYAN AT UGNAYAN.  ANG MGA GAWAING ITO AY ITINUTURING NA TATLONG HALIGI NG AAGAPAY.  ANG PROGRAMA NG TATLONG HALIGI NG AAGAPAY NA NAGSISILBING SULO SA MGA GAWAIN.

 ANG HALIGI NG EDUKASYON AY MAY PROGRAMANG:

·         MAISULONG ANG MAKATAONG PAG-UUGALI NG BAWAT ISA.
·         MAPALAKAS ANG PAGIGING MALIKHAIN AT PRODUKTIBONG KATANGIAN SA PAGHAHANAP-BUHAY NG BAWAT KASAPI.
·         MATULUNGAN ANG BAWAT KASAPI UPANG PALAKASIN ANG KANILANG KAKAYAHAN SA PAGPAPAHALAGA AT PAMAMAHALA NG PANGKABUHAYANG PROYEKTO.
·         PAUNLARIN ANG PAGSUSULONG NG ISPIRITWAL NA KATAYUAN SA PAMAMAGITAN NG MGA PAGBIBIGAY-ARAL SA BAWAT KASAPI 
·         MAIPADAMA SA BAWAT KASAPI, NA ANG “PAMILYA AY ANG SUSI NG PAGBABAGO NG ATING MORAL NA PAMANTAYAN”
·         MAITATAG ANG MATINDING PAGSASAMAHAN NG BAWAT KASAPI TUNGO SA MAPAYAPANG PAMAYANAN.
·         MABUKSAN ANG PUSO’T ISIPAN NG BAWAT KASAPI SA PAGGAWA NG KANILANG DESISYON AT OPINYON NA ALINSUNOD SA KATOTOHANAN, HUSTISYA AT NAKAKABUTI SA LAHAT NG TAO.

SAMANTALA, ANG HALIGI NG UGNAYAN AY MAY SUMUSUNOD NA PROGRAMA:

·         MAGKAROON NG AKTIBONG ALYANSA SA IBAT-IBANG ORGANISASYON NA MAY KATULAD NA LAYUNIN NG AAGAPAY.
·         MAIUGNAY ANG AAGAPAY SA IBANG MARALITANG TAGA-LUNGSOD, MANGGAGAWA, MAGSASAKA AT MANGINGISDA SA PAMAMAGITAN NG PAGKAKAROON NG PANGKABUHAYANG PROYEKTO. 
·         MAIPALAGANAP ANG MGA PAMALAHAAN ORGANISASYON O GO’s AT DI-PAMAHALAANG ORGANISASYON O NGO’s SA PANGKABUHAYANG PROYEKTO SA MGA IBA’T IBANG SEKTOR.
·         MAGING MASIKAP SA PAKIKIPAG-UGNAYAN  SA IBAT-IBANG SEKTOR NG ATING LIPUNAN, NA LAYUNING MAPAUNLAD ANG PROSESO NG DEMOKRASYA TUNGO SA MAPAYAPANG PAMAYANAN.

ANG PROGRAMA NG HALIGI NG KABUHAYAN AY:

·         MAKAPAGLIKHA NG MAPAYAPANG PAMAYANAN SA PAMAMAGITAN NG PAGBIGAY NG SERBISYO O HANAPBUHAY SA MGA KASAPI AT MGA PAMILYA NITO.
·         MAKAPAGLUNSAD NG    IBA’T IBANG MALILIIT NA PANGKABUHAYANG PROYEKTO UPANG MAPAUNLAD ANG             KATAYUANG PINANSYAL.
·         MAGABAYAN ANG BAWAT  KASAPI SA PAGPAPALAGANAP  NG KANILANG PRODUKTO.
·         MAHIKAYAT ANG AKTIBONG PAKIKILAHOK NG MGA MAMAMAYAN SA MGA PANGKABUHAYANG PROYEKTO.


ANG ORGANISASYONG HAWAK NG AAGAPAY AY UMAABOT NA NANG 1,700.  ITO AY NAHAHATI SA SUMUSUNOD NA KATEGORYA:  NAITATAG – 392 O 23 PORSYENTO, NAKUMBINSI – 526 O 31 PORSYENTO AT NAUGNAYAN – 782 O 46 PORSYENTO.  ANG KABUOAN BILANG NA HAWAK NA ORGANISASYON AY NAHAHATI SA MGA SUMUSUNOD NA SEKTOR: (SLIDE)

ANG AAGAPAY AY NAKAPAGTATAG NA NANG 17 PANGREHIYONG KONSEHO AT  71 NA PANGPROBINSYANG KONSEHO NA SIYANG NANGANGASIWA NG PAGPAPATUPAD NG IBAT-IBANG GAWAIN NG AAGAPAY SA ANTAS NG REHIYON AT PROBINSYA. 

LABIS NA PINAPAHALAGAHAN NG AAGAPAY ANG PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBAT-IBANG AHENSYA NG PAMAHALAAN, NASYONAL MAN O LOKAL.  DAHIL DITO, NAIPAABOT ANG MGA PROGRAMA NG PAMAHALAAN SA TUNAY NA NANGANGAILANGAN NITO.  ANG AAGAPAY AY NAKAPAGTAYO NA NANG UGNAYAN SA MGA SUMUSUNOD NA AHENSYA NG PAMAHALAAN:

·         COOPERATIVE DEVELOPMENT AUTHORITY (CDA)
·         BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES (BFAR)
·         DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM (DAR)
·         DEPARTMENT OF AGRICULTURE (DA)
·         DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES (DENR)
·         DEPARTMENT OF HEALTH (DOH)
·         DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT (DOLE)
·         DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT (DSWD)
·         DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY (DTI)
·         NATIONAL ANTI-POVERTY COMMISSION (NAPC)
·         NATIONAL COMMISSION ON INDIGENOUS PEOPLES (NCIP)
·         NATIONAL ECONOMIC AND DEVELOPMENT AUTHORITY (NEDA)
·         NATIONAL YOUTH COMMISSION (NYC)
·         PRESIDENTIAL COMMISSION FOR THE URBAN POOR (PCUP)
·         TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY (TESDA)
·         PHILIPPINE NATIONAL RED CROSS (PNRC)
·         PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE (PCSO)


SA LARANGAN NG PAGTULONG SA KABUHAYAN                 

SA KABUUAN, MAYROON NANG  APATNAPUT-SIYAM (49)  NA KOOPERATIBA ANG NAORGANISA SA BUONG BANSA, MAY TATLONG LIBO DALAWANG DAAN AT ANIMNAPUT-DALAWA (3,262) NA KASAPI AT TOTAL ASSET NA UMAABOT SA DALAWAMPUT-SIYAM NA MILYON PISO (P29,360,004.00). APATNAPUT-ISA (41) SA MGA KOOPERATIBANG NAORGANISA AY REHISTRADO NA SA CDA. ANG MGA SUMUSUNOD AY MGA PROYEKTONG PANGKABUHAYAN NAILUNSAD SA TULONG NG AAGAPAY.


MGA GAWAING PANLIPUNAN

                        PINAGTUUNAN DIN NG PANSIN NG AAGAPAY ANG PAGSASAGAWA NG MGA GAWAING PANLIPUNAN UPANG MAISAPRAKTIKA ANG MAKADIYOS, MAKATAO, MAKAKALIKASAN AT MAKABANSA KATUWANG ANG IBA’T-IBANG. ILAN SA MGA NAILUNSAD NG AAGAPAY ANG MGA SUMUSUNOD:

  • TREE PLANTING
  • CLEAN-UP DRIVE
  • MEDICAL/DENTAL MISSION
  • BLOOD LETTING
  • FEEDING PROGRAM
  • BRIGADA ESKWELA PROGRAM

UMUGNAY DIN ANG AAGAPAY DISASTER RESPONSE TEAM (DRT) SA MGA RELIHIYOSONG SEKTOR LALONG-LALO NA SA THE CHURCH OF JESUS CHRIST OF LATTER DAY SAINTS O MORMONS PARA SA MAS MALAWAK NA PAGBIBIGAY TULONG SA ORAS NG KALAMIDAD. ANG MORMONS KASAMA ANG ILAN LGU EMERGENCY RESPONSE TEAM AY NAGBIGAY PAGSASANAY SA NAITATAG NA AAGAPAY DRT.  AT UPANG MAKATULONG RIN SA PAGPAPATIBAY NG PAMILYA, NA PAREHONG BATAYANG NG ADBOKASIYA NG AAGAPAY AT MORMONS. ANG AREA WELFARE SERVICE NG LDS CHARITIES AT AAGAPAY AY NAGLUNSAD NG FAMILY ENRICHMENT PROGRAM PARA SA PAGPAPALAKAS NG PAGSASAMAHAN NG PAMILYA SA ORGANISASYON NASA MARALITANG TAGALUNGSOD NG AAGAPAY.

DAHIL SA INISYATIBO AT PAKIKIPAG-UGNAYAN NG AAGAPAY, HUMIGIT KUMULANG P1M TULONG GALING SA PCSO NA IPINAMIGAY PARA SA KARAGDAGAN GAMIT PANG-ESKWELA; TULONG PAGPAPAGAMOT SA KASAPI PARA SA OPERASYON, TULONG PARA  SA MGA BAYARIN SA OSPITAL NG MGA KASAPING MAY KARAMDAMAN, LIBRENG GAMOT SA MGA KASAPING NANGANGAILANGAN, PAGBIBIGAY NG WHEELCHAIR SA MAY KAPANSANAN AT ANG PAGPAPATAYO AT PAGKAKAROON NG MGA POSTE NG KURYENTE SA NAUJAN, ORIENTAL MINDORO, HANDOG NA AMBULANSYA PARA SA AAGAPAY DRT AY ILAN LAMANG SA MGA NAISAKATUPARAN.


PROGRAMA PARA SA KABATAAN


SA HANAY NG MGA KABATAAN, ANG AAGAPAY YOUTH AY NAKAPAGSAGAWA NG “BATTLE OF THE BANDS” AT “TAKBO PARA SA SA KABATAAN”.  ITO AY NAGLALAYONG MAILAYO ANG MGA KABATAAN SA MASASAMANG BISYO AT SANAYIN SILA BILANG MGA LIDER SA KOMUNIDAD NA MANGUNGUNA SA LAHAT NG MAGAGANDANG GAWAIN.